JERRY T. DULNUAN
Papaano makakamit, kapayapaang inaasam?
Kung sa pag-ibig ay salat at karamiha’y walang alam.
Puro na lang away, puro na lang gulo,
Karahasan at dugo ang laging nakikita ko..
Wala na bang pag-asang mabago ang mundo?
Na sana ang kasamaa’y tuluyan nang maglaho.
Terorismo’t kasakiman ang laging namamayani,
Patung-patong na pasakit ay mahirap nang ikubli.
Wala sanang ganito kung kapayapaa’y mananatili,
Sa puso ng sinuma’y maging aral lagi.
Simple lang naman ang aming hinihiling,
Na ang damdamin ninyo’y tuluyang magising.
Hindi nyo ba naririnig?Ang ating Inang Baya’y dumadaing..
Pagbigyan sana ang kanyang munting hiling.
Na ang kapayapaa’y ating maisakatuparan,
Para ang lahat ay mamuhay ng walang alinlangan.
Sana ang tulang ito’y makatulong ng malaki,Na ang kapayapaan ay wag basta isantabi,Sana ang ating kaisipa’y tuluyan nang mamulat,Wag na nating hintayin na mahuli ang lahat..
Monday, October 12, 2009
KAPAYAPAAN
JERRY T. DULNUAN
Ano ang kapayapaan?At papaano makamit ang kapayapaan?
Ang kapayapaan ay salitang ang ibig sabihin ay maayos na buhay walang gulo,tahimik,nagkakaisa ang bawat isa.
Makakamit ang kapayapaan kung ang lahat ay nagrerespetuhan at nagkakaunawan at higit sa lahat ay nagmamahalan.
Ano ang kapayapaan?At papaano makamit ang kapayapaan?
Ang kapayapaan ay salitang ang ibig sabihin ay maayos na buhay walang gulo,tahimik,nagkakaisa ang bawat isa.
Makakamit ang kapayapaan kung ang lahat ay nagrerespetuhan at nagkakaunawan at higit sa lahat ay nagmamahalan.
Thursday, October 8, 2009
Walang Panalo sa gyera...
Kapag ang dalawang parte ay nag-lalaban, pagkatapos ng kanilang labanan, may panalo ba?
Para sa akin wala talagang panalo sa gyera, paano mosasabihing nanalo ka kung namatayan ka... o kung hindi ka man namatayan, nakapatay ka... sadyang walang panalo sa gyera, Kaya sana hindi na magkaroon pa ng gera,. dahil sa gyera, walang panalo, lahat talo... Kaya sa halip na makipaglaban, isulong mo nalang ang kapayapaan... "PEACE BE WITH YOU!"
biktima ng digmaan...tanging hangad ay kapayapaan
hanggang kailan? Sino pa ang mabibiktima?
Sino pa ang madadamay?
Ano pa ang maaaring mangyari kung magbubulagbulagan lang tayo?
hindi naman sila lang ang nahihirapan... tayo namay kabilang sa kanila... wag na nating hintaying milyong buhay na naman ang masisira...
tama na ang digmaan, tama na ang kaguluhan... panahon na dapat ng kapayapaan..
Kapayapaan, Kelinew, Kalilintad, Peace: ISULONG!
kailan nga kaya matatapos ang gulong ito? O mas dapat sigurong itanong kung may katapusan nga ba ang gulong ito?
kailan kaya matigil ang pag-iivacuate ng mga tao? kailan kaya may isisilang na bata na magsasabing, "Inay, Ano po ba ang gyera?"
Ilan pa kayang mga buhay ang ibubuwis? Ilan pa kayang walang malay ang patuloy na madadamay?
Sadya nga kayang ganito na ang mindanao? sino nga ba ang mas mapalad, ang nasa Luzon na palaging binabagyo o ang Mindanao na palaging may gyera...?
Papayag ba tayong palaging ganito nalang ang nangyayari sa ating bayan? Hahayaan nalang ba natin ang marami pang musmos na walang malay ang madadamay? Hahayaan nalang ba nating patuloy ang pag-agos ng dogu dito sa lupang pinangako? O patuloy nalang natin itong isisi sa gobyerno.
Bilang isang mamayan sa ating bansa, naitanong mo ba sa iyong sarili kung anong maari mong gawin upang kahit paano ay mabawasan ang kaguluhang ang ating hinaharap sa ngayon? O patuloy ka nalang magbibibingibingihan sa mga sigaw, saklolo, at iyak ng ating mga kabayan?
Mga kapwa ko kabataan, 'wag tayong magbibibingibingihan at magbubulagbulagan. Kahit man lang sa kaunting paraan, makialam, makisama, para sa kinabukasan ng ating lupang pinangako, "ISULONG ANG KAPAYAPAAN!"
Ilan pa kayang mga buhay ang ibubuwis? Ilan pa kayang walang malay ang patuloy na madadamay?
Sadya nga kayang ganito na ang mindanao? sino nga ba ang mas mapalad, ang nasa Luzon na palaging binabagyo o ang Mindanao na palaging may gyera...?
Papayag ba tayong palaging ganito nalang ang nangyayari sa ating bayan? Hahayaan nalang ba natin ang marami pang musmos na walang malay ang madadamay? Hahayaan nalang ba nating patuloy ang pag-agos ng dogu dito sa lupang pinangako? O patuloy nalang natin itong isisi sa gobyerno.
Bilang isang mamayan sa ating bansa, naitanong mo ba sa iyong sarili kung anong maari mong gawin upang kahit paano ay mabawasan ang kaguluhang ang ating hinaharap sa ngayon? O patuloy ka nalang magbibibingibingihan sa mga sigaw, saklolo, at iyak ng ating mga kabayan?
Mga kapwa ko kabataan, 'wag tayong magbibibingibingihan at magbubulagbulagan. Kahit man lang sa kaunting paraan, makialam, makisama, para sa kinabukasan ng ating lupang pinangako, "ISULONG ANG KAPAYAPAAN!"
Kalikasan Ay Kaugnay Sa Pagpapalaganap Ng Kapayapaan?
Isang napakagandang realisasyon ang aking nakuha habang ako ay nagmamasid sa isang mapayapa sa gitna ng mayayabong na punong kahoy, ibabaw nito ay may malalaking ibong nagliliparan. Sa puntong ito labis kong nadama ang isang mapayapang damdamin na nanalaytay sa aking pagkatao. Napaisip akong may pag-aalala, paanu na kaya kapag wala ng gubat? Ito ang kinatatakutan kung mangyari. Nakikita kung isang malaking kuntribusyon ang kalikasan sa pagpapalaganap ng kapayapaan. Kaya't ating ingatan,pagyamanin at pahalagahan ang ating inang kalikasan.
Sa mga kabataan….
sabi sa isang napakatanyag na kasabihan
"ang kabataan ang pag-asa ng bayan"
ngunit sino ang naglalakad sa mga kabundukan na may dala-dalang baril...?
sino ang hinuhubog at hinahanda sa isang labanan?
hindi bat mga kabataan???
isang hamon sa mga kabataan ngayon ang tumitinding di pagkakaunawaan at kaguluhan sa Mindanao... isang hamon ng kapayapaan... hamon para sa naghihintay na kinabukasan... kabataan ikaw bay handang maglingkod sa iyong bayan tayoy makiisa sa tawag ng karamihan...
PEACE EDUCATION
PAG-IBIG; Daan Nga Ba Sa Pagkamit Ng Kapayapaan?
Pag-ibig ang isang pinakamahalagang sangkap sa buhay ng tao. Dahil sa damdaming ito, nagkakaroon ng isang ganap na katiwasayan ang buhay. Ito din ang nagiging daan upang makamit natin ang hinahangad natin kapayapaan. Ngunit ang negatibong epekto naman nito ay nakapagdudlot ng kaguluhan sapagkat, ang nais ay nabigo at hindi naisakatuparan. Ngunit hindi naman kadalasan ganito ang nangyayri, bagkus ito ay nagiging matibay at matatag na nagdudulot ng isang mapayapa at matiwasay na buhay. Kaya't masasabi kong ang pag-ibig ay isang mahalagng sangkap sa pagkamit ng kapayapaan.
Ibigin natin ang ating sarili, ng sa gayun ay mapagbigay din tayo ng sapat ng pag-ibig sa iba.
PEACE LOVER
HELLO READER HOW ARE YOU TODAY I WRITE ABOUT THE PEACE. THIS IS TOO MUCH COMPULSORY FOR EVERYBODY
IN PREASENT TIME , YOU KNOW IN PRESENT PEOPLE HAVE NOT PEACE OF MIND , DAY DAY THE PEACE OF MIND OF THE IS DECREASING , A LOT OF PEOPLE ARE SUFFERED BY ANGER DISEASE ,LIKE DEEPRESSION, I WANT SAY MY READER THAT WE SHOULD TRY TO BE PEACE FUL IN EVERY FIELD, WE SHOULD WORK FOR SET UP PEACE IN THIS WORLD THIS WORLD IS OUR HOME , IF IN YOUR HOME THERE IS NO PEACE ,HOW YOU CAN LIVE A COMFORTABLE LIFE SO WE SHOULD TRY TO SET UP PEACE IN THIS WORLD . WE SHOULD LOVE EACH OTHER , THEIR SHOULD BE NO HATE IN OUR HEART FOR OTHER ,THE PROCESS OF THE PEACE START FROM YOUR HOUSE FROM YOUR FAMILY IF THERE IS NOT PEACE IN YOUR HOUSE OR IN YOUR FAMILY . HOW YOU CAN SET UP PEACE IN YOUR STREET ,IN YOUR CITY , IN YOUR REGION, IN YOUR COUNTRY ,I WANT SAY MY READER PLEASE TRY TO BE PEACEFUL, THERE SHOULD BE NO WAR IN THIS WORLD WHERE WE LIVE , WHY THE PEOPLE ARE KILLING EACH OTHER , WHY THIS HAPPEN , WHY THE PEOPLE ARE NOT PEACE FUL , IF YOU WANT TO BE A PEACEFUL PERSON MEDITATE THE NAME OF GOD . KEEP YOUR SELF PEACEFUL , CHANTED THE NAME OF THE GOD , INPIRE YOURSELF BY SOME GREAT PESONALITY THOSE DID A LOT FOR THIS WORLD "LIKE MOTHER TARESSA, SHE IS THE NOBLE PRIZE WINNER , AND SHE LIKE TO SERVE POOR PEOPLE WITH FOOD,A ND HOUSE, WHY YOU ARE NOT DOING ANYTHING THINK HOW MANY PEOPLE DAILY SLEEP HUNGRY , WHEN YOU GO TO SLEEP DAILY THINK ABOUT THESE POOR PEOPLE THOSE HAVE NOT TO EAT , THOSE ARE HOME LESS , THOSE ARE SLEEPING ON THE ROAD ,PLEASE WE FIGHT TOGETHER AGAINST THE VIOLENCE THERE SHOULD BE PEACE IN EACH COUNTRY , ALTHOUGH IT IS INDIA OR PAKISTAN AMERICA OR AFGANISTAN. WE ARE THE CHILDEREN OF THE GOD HE SEND US ON THIS EARTH FOR DOING SOMETHING GOOD WE SHOULD DO DAILY SOMETHING GOOD , IF YOU ARE PEACEFUL ,IT MEANS YOUR STREET ISPEACEFUL YOUR COUNTRY IS PEACEFUL ,
Pagsibol Ng Bagong Pag-Asa
Bakit nga ba maraming naghahangad ng kapayapaan? Ito ang katanungang nais kung bigyan ng kasagutan kahit na sa simpling paraan lamang.. Simple lang, nais nilang magkaroon ng isang payak at matiwasay na pamumuhay. At di na nila nais na maranasan pa ng mga susunod pang mga henerasyon ang kanilang mga nadanas na kahirapan sa pamamagitan ng iba't-ibang pamamaraan. Kaya't napakagandang pagnilayan nating lahat na ang pagkamit ng KAPAYAPAAN ay nakasalalay sa ating mga kamay. Simulan sa ating sarili ang pagpapalaganap ng kayapayapaan. Hindi madali ngunit makakayang gawin sa pamamagitan ng paglalaan ng ating mga sarili para sa ikabubuti ng marami...........
Masarap isipin at lasapin na ang bawat isa sa atin ay namumuhay ng may kapayapaan sa puso't isipan. KABATAAN bangon na at sabihing "AKO ANG SIMULA."
KAYLAN NATIN MASABING MA KAPAYAPAAN ?
Masasbi nating may kapayapaan kung wala nang putukan o digmaan? hindi dahil ang kapayapaan di nababase sa pagkawalan ng putukan o giyera.Hangat hindi magkaroon ng pagkapantay-pantay ang mga tao sa paningin ng mga namiminuno sa ating bansa kaylan man ay hindi makamit ang matagal na nating pinakaaasam na kapayapaan.Ano ang tinutukoy kung pagkakapanta-pantay? Pagrespeto ng karapatan ng mga ordenariyong mamamayan na katulad din sa mga marangiang mamamayan.
KAPAYAPAAN-MAY PAG-ASA PA BANG MAKAMTAN?
KAPAYAPAAN-Salitang napakadaling bigkasin ngunit napakahirap kamtin.Halos lahat ng tao ay nagnanasa ng kapayapaan hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa loob ng pamamahay,sa loob ng isang grupong kinabibilangan,sa loob ng pamayanan, sa loob ng isang bansa at maging sa buong mundo.Ngunit,ang napakalaking tanong-posible pa bang magkaroon ng kapayapaan?Posible! sa dahilan na kung lahat ng tao ay magkakaisa at magtutulungan,magmamahalan at magretrespetuhan,hindi magiging imposible na makamit ang kapayapaan.
pagrespeto ang kailangan
Ang pagrespeto ang pinakakailangan para makamit ang minimithing kapayapaan ng karamihan
sa ating kababayan... kung walang pagrespeto sa sarili ay walang mangyayari sa iisang mithiing ng nakararami ika nga nila "Do unto others what you want others do unto you".
sa ating kababayan... kung walang pagrespeto sa sarili ay walang mangyayari sa iisang mithiing ng nakararami ika nga nila "Do unto others what you want others do unto you".
kapayapaan...
Sa pagkamit ng kapayapaan, may mga bagay tayong dapat isaalang-alang, isa na dito ang disiplina, respeto sa kapwa at higit sa lahat ang pagtatalaga ng sarili sa pagtulong sa kapwa at higit sa lahat ang mga taong nangangailangan. Sa pagkamit din ng kapayapaan ay ay kaakibat nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat.
Wednesday, October 7, 2009
kung ang kapayapaan hahangarin itoy makakamtan
sa paghahanap ng kapayapaan maraming bagay ang kailangang tingnan...
hindi ang sariling kapakanan at kagustuhan ang laging dapat ikonsidira kundi ang kailangan ng nakararami...
kapag hinangad mo itoy mapapasaiyo...
ngunit ang paghangad ay may kaakibat na paggawa...
kung handa kang mag alay ng sarili buo mong makakamtan ang kapayapaan...
hindi ang sariling kapakanan at kagustuhan ang laging dapat ikonsidira kundi ang kailangan ng nakararami...
kapag hinangad mo itoy mapapasaiyo...
ngunit ang paghangad ay may kaakibat na paggawa...
kung handa kang mag alay ng sarili buo mong makakamtan ang kapayapaan...
callings from the midst of war
When would a voice from the midst of war will be heard? for those who are suffering from the revenge from the past..... for all of the victims of war and greediness..... for the tears and cries of the babies in the land of blood.... when and who will hear there callings? it is a silent shout from the weak and sorrowing soul... thus, our ears they are waiting to hear and respond to those begging ....would you wait for tommorow of no sureness or you will hear the callings... what will you do?
Subscribe to:
Posts (Atom)