Monday, October 12, 2009

KAPAYAPAAN

JERRY T. DULNUAN


Papaano makakamit, kapayapaang inaasam?
Kung sa pag-ibig ay salat at karamiha’y walang alam.
Puro na lang away, puro na lang gulo,
Karahasan at dugo ang laging nakikita ko..
Wala na bang pag-asang mabago ang mundo?
Na sana ang kasamaa’y tuluyan nang maglaho.
Terorismo’t kasakiman ang laging namamayani,
Patung-patong na pasakit ay mahirap nang ikubli.
Wala sanang ganito kung kapayapaa’y mananatili,
Sa puso ng sinuma’y maging aral lagi.
Simple lang naman ang aming hinihiling,
Na ang damdamin ninyo’y tuluyang magising.
Hindi nyo ba naririnig?Ang ating Inang Baya’y dumadaing..
Pagbigyan sana ang kanyang munting hiling.
Na ang kapayapaa’y ating maisakatuparan,
Para ang lahat ay mamuhay ng walang alinlangan.
Sana ang tulang ito’y makatulong ng malaki,Na ang kapayapaan ay wag basta isantabi,Sana ang ating kaisipa’y tuluyan nang mamulat,Wag na nating hintayin na mahuli ang lahat..

KAPAYAPAAN

JERRY T. DULNUAN

Ano ang kapayapaan?At papaano makamit ang kapayapaan?

Ang kapayapaan ay salitang ang ibig sabihin ay maayos na buhay walang gulo,tahimik,nagkakaisa ang bawat isa.

Makakamit ang kapayapaan kung ang lahat ay nagrerespetuhan at nagkakaunawan at higit sa lahat ay nagmamahalan.

Thursday, October 8, 2009

Walang Panalo sa gyera...


Kapag ang dalawang parte ay nag-lalaban, pagkatapos ng kanilang labanan, may panalo ba?
Para sa akin wala talagang panalo sa gyera, paano mosasabihing nanalo ka kung namatayan ka... o kung hindi ka man namatayan, nakapatay ka... sadyang walang panalo sa gyera, Kaya sana hindi na magkaroon pa ng gera,. dahil sa gyera, walang panalo, lahat talo... Kaya sa halip na makipaglaban, isulong mo nalang ang kapayapaan... "PEACE BE WITH YOU!"

biktima ng digmaan...tanging hangad ay kapayapaan




hanggang kailan? Sino pa ang mabibiktima?
Sino pa ang madadamay?
Ano pa ang maaaring mangyari kung magbubulagbulagan lang tayo?
hindi naman sila lang ang nahihirapan... tayo namay kabilang sa kanila... wag na nating hintaying milyong buhay na naman ang masisira...
tama na ang digmaan, tama na ang kaguluhan... panahon na dapat ng kapayapaan..

Kapayapaan, Kelinew, Kalilintad, Peace: ISULONG!





kailan nga kaya matatapos ang gulong ito? O mas dapat sigurong itanong kung may katapusan nga ba ang gulong ito?
kailan kaya matigil ang pag-iivacuate ng mga tao? kailan kaya may isisilang na bata na magsasabing, "Inay, Ano po ba ang gyera?"
Ilan pa kayang mga buhay ang ibubuwis? Ilan pa kayang walang malay ang patuloy na madadamay?
Sadya nga kayang ganito na ang mindanao? sino nga ba ang mas mapalad, ang nasa Luzon na palaging binabagyo o ang Mindanao na palaging may gyera...?
Papayag ba tayong palaging ganito nalang ang nangyayari sa ating bayan? Hahayaan nalang ba natin ang marami pang musmos na walang malay ang madadamay? Hahayaan nalang ba nating patuloy ang pag-agos ng dogu dito sa lupang pinangako? O patuloy nalang natin itong isisi sa gobyerno.
Bilang isang mamayan sa ating bansa, naitanong mo ba sa iyong sarili kung anong maari mong gawin upang kahit paano ay mabawasan ang kaguluhang ang ating hinaharap sa ngayon? O patuloy ka nalang magbibibingibingihan sa mga sigaw, saklolo, at iyak ng ating mga kabayan?
Mga kapwa ko kabataan, 'wag tayong magbibibingibingihan at magbubulagbulagan. Kahit man lang sa kaunting paraan, makialam, makisama, para sa kinabukasan ng ating lupang pinangako, "ISULONG ANG KAPAYAPAAN!"

Kalikasan Ay Kaugnay Sa Pagpapalaganap Ng Kapayapaan?


Isang napakagandang realisasyon ang aking nakuha habang ako ay nagmamasid sa isang mapayapa sa gitna ng mayayabong na punong kahoy, ibabaw nito ay may malalaking ibong nagliliparan. Sa puntong ito labis kong nadama ang isang mapayapang damdamin na nanalaytay sa aking pagkatao. Napaisip akong may pag-aalala, paanu na kaya kapag wala ng gubat? Ito ang kinatatakutan kung mangyari. Nakikita kung isang malaking kuntribusyon ang kalikasan sa pagpapalaganap ng kapayapaan. Kaya't ating ingatan,pagyamanin at pahalagahan ang ating inang kalikasan.

Sa mga kabataan….


sabi sa isang napakatanyag na kasabihan
"ang kabataan ang pag-asa ng bayan"
ngunit sino ang naglalakad sa mga kabundukan na may dala-dalang baril...?
sino ang hinuhubog at hinahanda sa isang labanan?
hindi bat mga kabataan???
isang hamon sa mga kabataan ngayon ang tumitinding di pagkakaunawaan at kaguluhan sa Mindanao... isang hamon ng kapayapaan... hamon para sa naghihintay na kinabukasan... kabataan ikaw bay handang maglingkod sa iyong bayan tayoy makiisa sa tawag ng karamihan...
PEACE EDUCATION