JERRY T. DULNUAN
Papaano makakamit, kapayapaang inaasam?
Kung sa pag-ibig ay salat at karamiha’y walang alam.
Puro na lang away, puro na lang gulo,
Karahasan at dugo ang laging nakikita ko..
Wala na bang pag-asang mabago ang mundo?
Na sana ang kasamaa’y tuluyan nang maglaho.
Terorismo’t kasakiman ang laging namamayani,
Patung-patong na pasakit ay mahirap nang ikubli.
Wala sanang ganito kung kapayapaa’y mananatili,
Sa puso ng sinuma’y maging aral lagi.
Simple lang naman ang aming hinihiling,
Na ang damdamin ninyo’y tuluyang magising.
Hindi nyo ba naririnig?Ang ating Inang Baya’y dumadaing..
Pagbigyan sana ang kanyang munting hiling.
Na ang kapayapaa’y ating maisakatuparan,
Para ang lahat ay mamuhay ng walang alinlangan.
Sana ang tulang ito’y makatulong ng malaki,Na ang kapayapaan ay wag basta isantabi,Sana ang ating kaisipa’y tuluyan nang mamulat,Wag na nating hintayin na mahuli ang lahat..
Monday, October 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment